-- Advertisements --

Kakatawanin ng Pilipinas para sa Mrs. International Global 2026 ang nagwaging Aleng Pulis na si Police Chief Master Sergeant (PCMS) Maria Zha-Zha C. Bio ng Civil Security Group (CSG).

Si PCMS Bio ay kinoronahan bilang Classic Mrs. Philippines International Global 2026 noong Mayo 30, 2026.

Dahil sa panalo ay napili siya na magrerepresenta ng bansa para sa Mrs. International Global 2026 World Final na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa buwan ng Oktubre.

Is siyang chemical specialist at educator kung saan ang adbokasiya nito ay ang pagpapalakas ng karapatan ng mga kababaihan, chemical safety awareness, pagprotekta sa kalikasan at kalusugan sa bawat pamilya.

Pinapurihan naman ni PNP Chief PGeneral Jose Melencio Nartatez Jr ang pagsabak ni Bio kung saan ang kaniyang panalo ay nagpapakita ng kakaibang kalibre ng isang police officer at nagsisilbing insipirasyon sa bawat Pilipino.

Tiwala ang PNP Chief na magtatagumpay si PCMS Bio dahil inirerepresenta nito hindi lamang ang bansa at maging ang Philippine National Police.