-- Advertisements --
Nagdiriwang ngayon ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto matapos na mabasura ng korte ang kasong inihain sa kaniya.
Ayon kay Atty. Joel Aspiras ang abogado ng actress na ang kasong paglabag sa Securities Regulation Code ay ibinasura ng korte dahil sa technicality.
Dagdag pa nito na base sa procedural grounds, nabigong maghain ang complainants ng kaso sa Securities and Exchange Commission (SEC) bago ito dalhin sa prosecutor’s office.
Una ng sinabi ng actress na inosente ito sa kasong isinampa sa kaniya dahil isa lamang siyang endorser sa hindi investors.
Nagbunsod ang kaso ng ireklamo ng ilang mga investors ang kumpanya na iniindorso ng actress na nakalikom ng ilang milyon.