Pinaiimbestigahan ngayon ni PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde sa Manila Police District (MPD) ang nangyaring pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta Park.
Bilin din ni Albayalde sa MPD na tulungan at alalayan ang National Parks Development Committee sa gagawin nitong imbestigasyon.
Umani kasi ng batikos sa social media ang mga larawan ng mga nagtitinda ng bandila ng China sa Luneta na itinaon na ginugunita ng bansa ang National Flag Day dahil nalalapit na ang araw ng kalayaan.
Sa pahayag ng mga nagtitinda, inamin ng mga ito na may nag-utos at nagbayad lang sa kanila para magbenta ng Chinese flag.
“I will direct the director of Manila Police District there. Baka mamaya lokohan lang iyan, and gustong magpa, I don’t know, gustong magpasikat or gustong ma-media. We’ll look into it,” wika ni Albayalde.