PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa

Naibigay na ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa sa Malacañangang ang sulat na ipinadala ng misis ng pinatay na Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Ayon kay Dela Rosa laman ng sulat ang kahilingan ng pamilya na hayaan na lamang ang Philippine National Police (PNP) philippine ang mag imbestiga sa kaso.

Pahayag ni PNP chief na ginawa niya ang aksyon para hindi mabahiran ng anumang paghihinala kung bakit ang PNP ang nais lamang mag imbestiga sa kaso ni Jee.

Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na mas nanaisin pa rin nya na magsanib pwersa ang PNP at National Bureau of Investigation (NBI) para maresolba ang kaso.

Nagpulong din ngayong araw si PNP chief at mga opisyal ng Korean National Police para ilahad sa mga ito ang takbo ng imbestogasyon sa kaso ni Jee Ick Joo.

-- Advertisement --