Tiniyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na mananagot ang mga kandidato na magbabayad ng permit to campaign fee o permit to win demand ng CPP-NPA.
Ito ang babala ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng mga lalahok sa 2022 national and local elections.
Pakiusap ni Eleazar sa mga kandidato wag makipagkutsabahan sa mga kriminal at terorista para lang manalo sa eleksyon.
Ayon sa PNP chief, ang mga kandidatong gagawa nito ay nagpapakita lang ng kanilang desperasyon at hindi karapat dapat manalo.
Paalala ni Eleazar na ang mga politiko o sibilyan na magbibigay ng pera sa CPP-NPA ay maaring kasuhan ng paglabag sa Republic Act 10168 or the Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 ngayong na-designate na bilang teroristang grupo ang CPP-NPA.