Malamig at hindi suportado ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde ang isinusulong na panukalang batas na SOGIE Bill dahil magiging sanhi lang ito sa mas maraming demand mula sa ibang grupo.
Paliwanag ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde may batas na tayo na pumuprotekta sa karapatan at privacy ng isang indibidwal.
Kaya hindi niya makita ang logic sa pagbuo ng ganitong batas.
Para kay PNP chief hindi na dapat pang gumawa ng batas para sa kapakanan ng isang grupo lamang.
“Let us not make laws just to satisfy a certain person, a certain individual or a certain group. Otherwise everybody will have their own laws,”pahayag ni Albayalde ng tanungin kaugnay sa isyu ng SOGIE Bill.
Nilinaw naman ni PNP chief na hindi naman nila dini discriminate ang mga nasa LGBTQ community pero dapat sumunod ang mga ito sa batas.
“We do not discriminate but we have laws to follow, just the same that these people alam naman dapat nila kung saan sila pupunta at lulugar,” wika ni Albayalde.
Dagdag pa ni PNP chief, “The law says na kung may ganito ka doon ka, kapag wala ka doon ka talaga sa kabila hindi ba?,” patukoy sa sex organs.
“We really cannot seen any wisdom on crafting a law just for that purpose alone. I don’t think that we need that kind of law just for that purpose also and just for those people alone,” pahayag ni PNP chief.