Pinaalalahanan ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng police commanders at mga pulis na aktibo silang mino-monitor sa pagsunod sa mga alituntunin ng Comelec ngayong eleksyon.
Ang paalala ay ginawa ni PNP chief kasabay ng pagsabi na ang hakbang ay upang masiguro na mananatiling apolitical ang PNP sa panahon ng halalan.
Ayon sa PNP chief, paunang hakbang palang ang ginawang paglipat ng ng pwesto ng mga pulis na may kamag-anak na tumatakbo sa halalan, o ‘yaong mga identified sa mga incumbent na kumakandidato.
Patuloy aniya ang pagtanggap niya ng impormasyon mula sa mismong mga tauhan ng mga opisyal o sumbong ng mga mamayan tungkol sa mga iregularidad na ginagawa ng ilang mga pulis na may kinalaman sa eleksyon.
Sinabi naman ni Carlos na dalawang beses niyang pinapa-beripika ang mga natatanggap na sumbong, at tiniyak na mananagot ang mapatunayang hindi sumusunod sa patakaran ng PNP na manatiling “non-partisan” sa eleksyon.