-- Advertisements --

Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina.

Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang kaniyang baril bilang depensa.

Maaari lamang aniya ito para sa mga short firearms na inisyu ng PNP sa mga Pulis habang ang mga mahahabang armas ay tama lamang na iniiwan sa opisina.

Pero ipinunto ni PNP Chief, kailangang nasa tamang pag-iisip ang Pulis sa pagbibitbit ng kaniyang baril dahil kaakibat nito ang napakalaking pananagutan kaya’t ito aniya ang kanilang tinututukang ayusin sa ngayon.

May mga nanawagan kasi na hindi na magbitbit ng armas ang mga pulis kapag sila ay off duty para maiwasan na magamit ito sa krimen gaya ng nangyari sa pulis na bumaril patay sa isang Ginang sa QC.