Posibleng hindi na muna ibababa ng Office of Civil Defense (OCD) ang kasalukuyang Red Alert status sa bansa bunsod ng bagong low pressure area (LPA) na siyang nagpapaulan ngayon sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay OCD Officer-In-Charge at Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na mas ppalapit pa kasi nang papalapit ang kilos ng naturang sama ng panahon na inaasahang mas magpapalakas pa sa Habagat.
Kahit pa mababa ang tsansa nito na maging ganap na bagyo ay inaasahan naman na mas palalakasin din nito ang mga pagulan sa mga saturated areas at maging sa mga bayan na sinalanta ng nagdaang Bagyong Crising.
Samantala, sa huling datos at ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) apat na ang naiulat na nasawi dahil sa bagyo kung saan isa na ang kumpirmado habang ang iba ay sumasailalim pa sa beripikasyon.