pnp chief albayalde banac
PNP Chief Albayalde

Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde ang delegasyon ng Pilipinas para 39th ASEAN Association of Chiefs of Police o ASEANAPOL conference.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac nagsisimula nitong Sept 16 at magtatagal hanggang Sept 20 ang ASEANAPOL conference sa Hanoi, Vietnam.

Tatalakayin sa conference ang ibat ibang usapin partikular ang Illicit drug trafficking, Terrorism, Arms Smuggling, Trafficking in Persons, Maritime Fraud, Commercial Crime, Cybercrime, Fraudulent travel documents, Transnational Fraud, ASEANAPOL Database System, at ASEANAPOL Forensic Science Network.

Pansamantala namang itinalaga bilang Officer-in-Charge ni Albayalde si PLTGEN Archie Francisco Gamboa, PNP Deputy Chief for Operations.

Bukod sa ASEANAPOL Conference magkakaroon din ng bilateral meeting ang PNP delegation sa United Kingdom National Crime Agency at Australian Federal Police.

Taong 2014, nang i-host ng PNP ang ika -34th ASEANAPOL Conference dito sa Maynila.