Nagbabala ngayon ang Joint Task Force-Covid Shield sa publiko laban sa tinatawag na “disinfect and sanitation” scams kasunod ng coronavirus disease (COVID-19) crisis.

Ayon kay TF-CV Shield commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang national government at mga local government units lamang ang maaaring gumawa ng nasabing mga hakbang.

Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na agad i-report sa mga otoridad lalo na ang mga indibidwal na nagsasagawa ng disinfection and sanitation kapalit ng pera.

Nakatanggap kasi ng report ang task force na may mga indibidwal ang nagbahay bahay ngayon at nag-aalok ng nasabing serbisyo.

Sinabi ni Eleazar, walang indibidwal at grupo na inauthorized ang gobyerno para magsagawa ng disinfection at sanitation sa mga bahay.