Binalaan ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang mga anti-vaccine group na sumunod sa ipinapatupad na health protocols kapag sila ay magsasagawa ng kilos protesta.

-- Advertisement --

Sinabi ng PNP chief na hindi sila magdadalawang isip na arestuhin ang mga lalabag.

Mahigpit pa rin nilang babantayan ang grupo na magsasagawa ng kilos protesta.

Nauna rito nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Gising Maharlika na nanawagan sa gobyerno na tapusin na ang ipinapatupad na protocols para pigilan ang pagkalat ng COVID-19.