-- Advertisements --

Nagkansela ang ilang airline companies ng ilang flights ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 17 dahil sa bantang dala ng bagyong Crising.

Kabilang dito ang airline company (CebGo) na may mga biyahe mula Maynila patungong Naga at vice versa gayundin ang flight mula Clark patungong Masbate at vice versa.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), apektado sa kanselasyon ng flights ang nasa 109 pasahero.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga pasahero na regular na i-check ang estado ng kanilang flights sa airline para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.

Samantala, ayon sa CAAP, nananatiling operational ang lahat ng mga paliparan sa Bicol Region.