-- Advertisements --

Pinaplano ng Philippine National Police o PNP at Slovakia ang mas malapit na kooperasyon sa police training, public safety, at pagpapalitan ng kaalaman at best practices upang mapalakas ang pagtugon sa mga umuusbong na banta sa seguridad.

Tinalakay ito nina PNP chief General Jose Melencio Nartatez jr. at Slovak Ambassador to the Philippines Miloš Koterec sa courtesy visit ng diplomat sa Camp Crame, Quezon City.

Kabilang sa mga posibleng larangan ng pagtutulungan ang police development, training frameworks, public safety initiatives, at pagpapalitan ng operational experience at best practices.

Ayon kay Nartatez, mahalaga ang international partnerships upang matuto ang mga law enforcement institution sa isa’t isa at mapahusay ang kakayahan ng mga pulis sa pagtugon sa nagbabagong security threats.

Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pnp na palawakin ang international law enforcement linkages at mapaigting ang personnel development, lalo na sa mga security concern na lumalampas na sa national borders.