Aminado ang Philippine National Police (PNP) na may mga corrupt police personnel pa rin ang sangkot sa pag recycle ng illegal drugs.
Ito’y matapos ibunyag ni PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino sa pagdinig ng Senado na sa kanilang pagtugis sa isang babaeng drug lord na bumibili ng recycled na mga drogang nakukumpiska at mga pulis pa ang pinagmumulan nito.
Ayon kay PNP Spokesman PBGen. Bernard Banac na nasa Vietnam ngayon, aminado siyang mayroon pa ring mga oulis na nasasangkot sa ganitong iligal na gawain na tinatawag nilang ninja cops.
Dahil dito pinalakas pa ng PNP ang kanilang Internal Cleansing.
Target ng PNP na malinis ang kanilang hanay ng mga tiwaling pulis.
Nanawagan si Banac sa publiko na ireport sa kanila ang anumang iligal na gawain ng kanilang mga kasamahan.
“The PNP agrees with the findings of PDEA that some corrupt PNP personnel are still able to find ways to engage in nefarious and illegal acts. That is the reason why PNP’s campaign on internal cleansing remains relentless and we will not stop until all rogue cops are weeded out and charged in court. We urge the public to report any wrongdoing of our cops,” statement ni BGen. Banac.