-- Advertisements --

Mariing pinasinungalingan ni Romblon Representative Eleandro Madrona ang naging alegasyon ng mag-asawang Curvee at Sara Discaya na kumukubra ng porsiyento para sa kanilang mga proyekto.

Sa isang mensahe na ipinadala ni Madrona, kaniyang itinanggi na nagkaroon siya ng proyekto sa mga Discaya.

Tanong ni Madrona, paano nangyari na nabigyan siya ng porsiyento.

“ I strongly deny the statement of Discaya. To my recollection, wala akong project sa kanya, so anong basehan ng sinabi niyang pagbigay niya sa sakin? I heard he bidded on projects sa aming budget sa Romblon pero I have no hand and knowledge on how he pays those involved! “ mensahe ni Madrona.

Samantala, nagbanta ang dating mambabatas at ngayo’y San Jose del Monte Mayor Florida Robes na magsasampa siya ng libel case laban sa mga Discaya.

Sa isang statement sinabi ni Robes, “ Kung sino man gumagamit ng pangalan ko mangilabot naman kayo!” 

Sinabi ni Robes na makikita kung gaano kaganda ang San Jose Del Monte ngayon, pagtiyak pa ni Robes na walang mga ghost projects sa kanilang lugar.

Ipinagmalaki pa ng dating mambabatas na ang mga infrastructure projects sa San Jose Del Monte ay pang world class.