Naniniwala si PNP Deputy Director General for Administration Lt Gen Guillermo Eleazar, na makukumbinsi din ang lahat ng nasa mahigit 219, 000 police personnel ng PNP na mga tauhan ng Pulisya na magpabakuna kontra COVID 19.
Ito ay kasunod ng resulta ng kanilang Survey na nagsasabing 63 percent lamang ng mga pulis ang payag mabakunahan.
Sa datos ng Health Service sa 700 na quota na ibinigay ng pamahalaan para sa PNP nasa 500 pa lamang ang nagpahayag na nais nilang mabakunahan.
Tiwala si Eleazar na sa tulong ng mga Infomercials na gawa ng DOH at Mga Health Experts ay makukumbinsi din ang natitirang 37 Percent na ayaw pang magpabakuna.
Sa katunayan ay bumaba na ito dahil dati ay 46 Percent ang ayaw sa bakuna.
Dahilan umano ng mga ito ay mayroon silang mga co-morbidities o karamdaman kaya’t natatakot .
Target ng PNP na kung may available nang bakuna ay 70 Percent ng kanilang mga tauhan ay mabakunahan para makamit ang target na Herd Immunity.
Lalo na sa mga Pulis na Assigned sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID 19.
Una nito ay sinabi ni Eleazar na walang pilitan sa mga Pulis na ayaw magpabakuna.
Mas pabor din ang karamihan sa kanila sa bakuna na gawang Pfizer kaysa bakunang galing sa China gaya ng SINOVAC.