NAGA CITY – Mas aasahan umano ang pagbuhos pa ng suporta ng mga taga-Canada sa inaabangang Game 5 ng NBA Finals ngayong araw.

Ito’y matapos masungkit ng Toronto Raptors ang panalo sa Game 4 laban sa Golden State Warriors sa score na 105-92.

Sa report ni Bombo International Correspondent Von Canton, sinabi nito na maging ang players umano ng itinuturing na pinakasikat na laro sa Canada na hockey at baseball todo na rin aniya ang ipinapakitang suporta sa Raptors.

Sa pamamagitan umano ng pagsusuot ng jersey ng Toronto ipinapakita ng nasabing players ang suporta sa nag-iisang Canadian basketball team sa NBA Finals.

Liban aniya sa nasabing mga players halos lahat na umano ng mga taga-Canada nakasuot ng jersey ng koponan para lamang maipakita ang kanilang suporta tuwing manonood ang mga ito ng laro.