-- Advertisements --

Binigyang diin ni Senator Nancy Binay na mariin siyang tumututol sa mga plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na magtayo ng bagong punong-tanggapan sa loob ng Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal.

Aniya, dapat makita rin ng ibang mambabatas ang naturang lugar na kinakailangang maproktehan o ma-preserve.

Noong Pebrero, iginiit ng BuCor ang pagmamay-ari nito sa 270 hectares ng Masungi Georeserve, na binanggit ang Proclamation No. 1158 na inisyu ng noo’y Presidente Gloria Arroyo noong 2006, na karaniwang nakalaan sa lupain na pag-aari ng gobyerno sa mga Barangay Cuyumbay, Laiban, San Andres, at Tinucan sa Tanay.

Kaugnay niyan, plano kasi ng BuCor, na magtatag sa nasabing lugar ng bagong site ng New Bilibid Prison.

Pinalutang pa ng BuCor ang mga plano nitong magtayo ng mga pasilidad nito sa “Lot 10” ng landscape na naglalaman ng pangunahing rock spine ng limestone karst formation ng Masungi Georeserve.

Una na rito, ang Masungi Georeserve ay isang 300-ektaryang malawak na conservation area na matatagpuan sa Sierra Madre Mountain Range.

Ito ay 600 metro sa itaas ng antas ng dagat at kilala bilang isang sanctuary para sa hanay ng mga fauna at flora.