-- Advertisements --
image 365

Lumobo pa sa P285.28-milyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura.

Batay sa assessment ng Department of Agriculture (DA), naitala ang mga pinsala sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen Regions.

Katumbas ito ng 13,408 na ektarya ng agricultural areas o production loss na 11,761 metriko tonelada.

Kabilang sa mga apektado ang mga sakahan ng palay, mais, high value crops at fisheries, gayundin ang ilang agricultural facilities.

Aabot rin sa 8,608 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang pangkabuhayan dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Habang patuloy ang assessment ng DA sa pinsala ng kalamidad, ay nag-set up na ito ng mga Mobile KADIWA centers sa mga apektadong lugar para masiguro ang stable na presyo at suplay ng agri-fishery commodities.