Pabor si House Infra Committee lead Chairman at Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon na suspindihin ang pagdinig ng tri committee kaugnay sa maanomalyang proyekto sa flood control projects.
Ito ay para bigyang daan ang mandato ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na binuo ng Palasyo ng Malakanyang para imbestigahan ang mga maanomalyang infrastructure projects partikular ang mga flood control projects.
Umaasa si Ridon na magkasundo ang Kamara at Senado na magkaroon ng joint resolution para suspindihin ang isinasagawang pagdinig in aid of legislation.
Inihayag naman ni Ridon na kahalintulad sa existing protocol, kapag may miyembro ng Kamara ang pinangalanan sa mga maanomalyang flood control projects ay dapat magbigay ng pahayag sa Infra Comm.
Subalit ang naging pahayag ni Rep. Kiko Barzaga laban kay Speaker Martin Romualdez ay general statements na walang konkretong detalye kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Giit ni Ridon dapat maging specific ang kongresista sa kaniyang alegasyon ng sa gayon maikunsidera ito ng Infra Comm.