-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na pipirmahan na niya ngayong araw ang dismissal order laban kina dating Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez at Construction Section Chief Jaypee Mendoza ng Bulacan 1st District Engineering Office.

Ang dalawang opisyal ay kabilang sa 25 indibidwal na sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Ayon kay Dizon, ang pagpapatalsik kina Hernandez at Mendoza ay bahagi ng hakbang ng DPWH para papanagutin ang mga sangkot sa malawakang katiwalian sa ahensya.