Sinentensayahan ng dalawang taong pagkakakulong ang Filipino businessman na si Hector Molino matapos itong hatulan ng pananamantala sa kanyang kapwa Pilipino sa Canada.

Si Mantolino ay nagmamay-ari ng ilang cleaning at maintenance companies. Ginamit umano nito ang Canadian government’s Temporary Foreign Workers Program upang lamangan ang halos 28 manggagawa na dinala nito mula sa Pilipinas.

Ayon sa isang pahayag, binabayaran umano ni Mantolino ang mga manggagawang ito ng $500,000 mas mababa sa total reported wages.

Inabisuhan di-umano ni Mantolino ang kanyang mga manggagawa na magsinungaling patungkol sa kanilang sahod at tinakot umano ang mga ito na mawawalan ng trabaho sa Canda kapag hindi sila sumunod.

Ilan sa mga manggagawa ay pinangakuan nito na makatatanggap ng pareho sa Canadian wage ngunit binabayaran lamang umano sila ng $3.13 per hour.

Ikinatuwa naman ito ng isa sa mga biktima na si Jason Sta. Juana Jr. dahil matapos ang anim na taon ay mapaprusahan na si Mantolino.

Una ng kinasuhan ang suspek ng 56 counts of immigration fraud matapos ang isinagawang imbestigasyon ng Canda Border Services Agency noong June 2013.

Noong 2017 ay naghain ito ng guilty sa misinterpretation under provisions of the Immigration and Refugee Protection Act.