Isa na namang bahagi ng frontliners ang namatay dahil sa coronaviurs.

Kinumpirma ng Philippine Nurses Association (PNA) ang pagpanaw ng isang nurse dahil sa respiratory disease dala ng COVID-19.

Kinilala ng grupo ang medical worker na si Alvin Pascual, 44.

Sinaluduhan naman ng PNA si Pascual bilang isa sa kanilang “warriors” na nagsilbi sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City sa bahagi ng Nueva Ecija.

“Philippine Nurses Association (PNA) gives our salute and respect to you Nurse Alvin Pascual, a warrior against CoVID-19.”

Una rito nasa 12 mga doktor na ang pumanaw sa Pilipinas mula sa 96 death toll (as of April 1)

NURSE