Nanaig ang isang Pinoy na si John Jeffrey “Janjep” Carlos sa Mr. Gay World 2019 na ginanap sa South Africa.

Si Carlos ay pangalawa nang Filipino na kinorohang Mr. Gay kasunod ni John Fernandez Raspado na nanalo sa patimpalak noong 2017.

Itinanghala namang first runner up si Francisco Alvarado mula sa bansang Spain, second runner up ang pambato ng Hungary na si Oliver Pusztan, third runner up si Cjayudhom Samibat ng Thailand at Nick Van Vooren ng Belgium ang nakasungkit sa fourth runner up.

Pinataob ng tubong Cavite ang 21 kandidato sa final round ng pageant na ginanap sa Cape Town, South Africa on May 4 (May 5 sa Manila).

Pinalitan ni Carlos sa puwesto si Mr. Gay World 2018 Jordan Bruno na Australian national.