-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nananatiling “in demand” pa rin sa ibang bansa ang mga Filipino health at factory workers sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Pinaghahandaan na ng ibang bansa ang pag-hire muli ng mga Filipino migrant workers.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, nagsisimula na ang mga Middle East countries gaya ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain at Qatar na muling buksan ang kanilang bansa para sa mga OFWs.

Aniya, pangunahing skills na in-demand ay mga health care workers.

Ang South Korea at Taiwan naman ay nangangailangan ng maraming factory workers mula sa Pilipinas. (with report from Bombo Jane Buna)