carlos yulo 2
Carlos Yulo

Pabalik na sa Pilipinas matapos ang matagumpay na panalo sa Germany si Carlos Yulo.

Kasama ng 19-anyos na Filipino gymnast ang kaniyang Japanese coach at si Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carreon.

Nag-stop over muna sila sa Turkey bago ang tuluyang biyahe patungong Pilipinas.

Magugunitang nakuha ni Yulo ang kampeonato sa floor exercise sa Stuttgart nitong Sabado para maging kauna-unahang Filipino na masungkit ang pambihirang gold medal.

Ang winning performance ni Yulo ay nagbigay antig at labis na katuwaan sa maraming fans lalo na nang unang patugtugin ang national anthem ng Pilipinas sa world championships.