-- Advertisements --
Nakuha ng Pilipinas ang kampeonato sa 2022 Predator World Teams Champions na ginanap sa Klagenfurt, Austria.
Ang koponan na binubuo nina Rubeline Amit, Carlo Biado at Johann Chua ay tinalo nila ang Great Britain, 3-0.
Hindi pinaporma ng mga Pinoy cue artists ang mga pambato ng Great Britain na binubuo nina Kelly Fisher, Jayson Shaw at Darren Appleton sa score na 4-3, 4-3, 4-1.
Sina Biado at Amit ay bahagi ng silver-medal winning team noong 2014 ng talunin sila ng China sa finals.