Handang-handa ng sumabak sa laban si Filipino boxer Mark Bernaldez para labanan si American unbeaten boxer Albert Bell.

Gaganapin ang 8-round lightweight match sa MGM Grand sa Las Vegas sa Hulyo 4.

Magiging close-door ang nasabing laban para hindi magkaroon ng pagkalat ng coronavirus.

Dumating sa Las Vegas si Bernaldez nitong Hunyo 1 kasama ang trainer nito na si Osmiri ‘Moro’ Fernandez mula sa training camp sa Miami.

Mayroong record si Bernaldez na 20 panalo, 3 talo na may 14 knockouts habang si Bell ay mayroong 16 na panalo at wala pang talo.

Mahigpit naman na babantayan ng Nevada Athletic Commission ang laban para matiyak na naipapatupad ang health protocols.

Si Bernaldez ang siyang pangatlong Filipino na lumaban ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay kapwa matagumpay ang laban nina Mike Plania at Reymond Yanong.