Mark Magsayo
-- Advertisements --

Pinabagsak ni Filipino boxer Mark “Magnifico” Magsayo ang kaniyang nakalaban na dating kampeon mula sa Mexico na si Julio Ceja.

Mula sa simula ng laban ay naging mainit ang palitan ng suntok ng dalawang boksingero na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Pagdating sa ika-10 round ay ibinuhos ni Magsayo ang mga suntok hanggang sa tinamaan si Ceja ng dalawang beses sa mukha nito na naging dahilan para ito ay bumagsak.

Dahil sa panalo ay mayroon ng malinis na 23 panalo at wala pang talo ang native ng Tagbilaran, Bohol.

Siya ngayon ang number 1 contender sa WBC featherweight crown na hawak ni Gary Russel Jr.

-- Advertisement --