-- Advertisements --

Pumanaw na ang boksingerong si Kenneth Egano ilang araw matapos ang pananatili sa pagamutan.

Na-comatose kasi ito ng magtamo ng head injury mula sa eight-round na laban kay Jason Fucalarin nito sa Imus, Cavite nitong Sabado.

Hindi pa inaanunsiyo ang laban ay nawalan na ito ng malay kung saan agad itong dinala sa pagamutan at hindi na nahintay na maianunsiyo ang pangalan niya bilang nagwagi.

Kinumpirma ng kampo ng boksingero mula sa General Santos City ang pagkasawi ng 22-anyos na boksingero na si Egano.

Mayroong record si Egano na pitong panalo, isang talo kung saan mayroon itong tatlong knockouts.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Games and Amusement Board sa pamilya ni Egano.