-- Advertisements --
Lady Valerie
Lady Valerie/ youtube image

Pumanaw n aang kilalang transgender singer-musician na siy Lady Valerie sa edad 69.

Kinumpirma ito ng pinsan niyang fashion designer na si Adrian Rios kung saan inatake ito sa puso.

Nasa bahay niya ito sa Cavite ang singer ng atakihin sa puso nitong Biyernes at sa araw ng Sabado ay itinakda ang kaniyang cremation.

Si Valentino Rios Torillo sa tunay na buhay ay talented transgender singer-musician na nakilala sa Lady Valerie and Her Orchestra.

Kinilala ito siya sa pagtugtog ng piano at electric organ.

Noong dekada ’80 and ’90 ay mabenta ang kanilang banda sa mga ballroom dancing.