-- Advertisements --

Umangat ang WTA ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.

Mula sa dating 737 noong nakaraang buwan ay nasa 715 na siya ngayon.

Ito na ang pinakamataas na ranking na narating ng 15-anyos na tennis player.

Noong nagsisimula pa lamang ang taon ay nasa ranked 1190 ito.

Nag-improve ang kaniyang ranking nang magtagumpay ito sa W15 at W25 sa ITF Women’s World Tour.

-- Advertisement --

Lumahok din ito sa anim na torneyo ngayong taon gaya sa W15 Manacor sa Mallorca, Spain noong Enero.