Pasok na finals ng French Open Junior doubles si Filipina tennis star Alex Eala at partner nitong si Oksana Selekhmeteva ng Russia.

Tinalo kasi nila sa semifinals ang 2020 defending champion na sina Eleonaora Alvisi at Lisa Pigato ng Italy sa score na 6-2, 6-1.

Nagtapos ang laro sa loob ng 53 minutos na ginanap sa Paris.

Ang 16-anyos na si Eala ay 2029 Australian Open junior girls’ doubles champion habang ang 18-anyos na si Selekhmeteva ay 2019 US Open girils’ doubles champion.

Makakaharap ng dalawa sina Amarissa Kiara Toth ng Hungary at Maria Bondarenko ng Russia.