Alex Eala
Alex Eala/ FB image

Umangat ang ranking ni Filipina tennis player Alex Eala matapos ang tagumpay nito sa 2020 Australian Open.

Base sa ranking ng International Tennis Federation (ITF) junior’s world tennis rankings nasa pang-apat na puwesto na ito.

Mula sa dating 9th place ay umangat ito ng magwagi ito sa doubles title kasama ang Indonesian tennis player na si Priska Nugroho.

Ito na ang pinakamataas na ranking na nakuha ng 14-anyos na Pinay tennis player.

Naghahanda naman ngayon ito sa pagsabak sa French Open sa buwan ng Mayo.

-- Advertisement --