LAOAG CITY – Patay ang isang Pilipinang nurse matapos ma-confine nang tatlong linggo dahil sa COVID-19 sa California.

Sa report ni Bombo International Correspondent Ray Villanueva sa Los Angeles, kinilala nito ang namatay na Pinay nurse na si Arleen Domingo, taga-Barangay 1, lungsod ng Laoag pero kasalukuyang naninirahan sa California at nagtatrabaho bilang nurse sa Mission Community Hospital sa Panorama City.

Ayon kay Villanueva, unang nai-confine at namatay ang ama ni Domingo na si Fernando Aquino dahil sa COVID-19.

Kahit ang ina ni Domingo na si Josie Aquino ay dinapuan din ng virus at kasalukuyang naka-ventilator.

Sinabi pa ni Villanueva na kahit ang dalawang anak ng pinay nurse ay nagpositibo rin sa sakit pero pareho nang nakarecover.

Si Domingo ang ikawalong Pilipinong nurse na namatay sa California dahil sa coronavirus.