Sentro rin ng atensyon ngayon ang Pilipinang nurse na nagturok sa pinaka-unang indibidwal na nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa United Kingdom.
'It’s a huge honour to be the first person in the country to deliver a COVID-19 jab to a patient, I’m just glad I’m able to play a part in this historic day.'
— NHS England and NHS Improvement (@NHSEngland) December 8, 2020
Thank you to nurse May Parsons from @nhsuhcw and all #OurNHSPeople working hard to roll-out the #COVIDVaccine today. 💙 pic.twitter.com/VbNXSNKlVE
Inuulan ng papuri ang University Hospital nurse na si May Parsons dahil sa makasaysayang pangunguna niya sa pagbibigay ng bakuna, na inaasahan ngayon ng mundo na magiging epektibo sa mga tao.
“I think its a tremendous historical event for the pandemic, we know what it costs in human lives and the fact that we are able to offer the first vaccine today its so historic and I’m proud to be able to contribute to that positive step,” ani Parsons sa interview ng Good Morning Britain.
May 24 na taon na rin daw na nagse-serbisyo ang half-Filipino, half-British nurse. Ang 17 taon rito, ginugulgol niya sa National Health Services ng UK.
Inamin niya na dumaan din siya sa masusing proseso ng trainings at pag-aaral para masanay sa pagbibigay ng bakuna.
Para kay Parsons, malaki ang papel na ginagampanan ng mga tulad niyang medical frontliner ngayong panahon ng pandemya. Kaya dapat daw ay maging proud din ang iba pang Pilipino na gaya niya, ay gumagawa ng kasaysayan para labanan ang COVID-19.
“I’m really glad to be telling all the Filipinos everywhere in the world that we can make a difference and we do our positive contributions to humanity. I think its a very historical event for Filipinos all across the globe for making sure that we are proud of what we achieve, what we contribute, the care that we give.”