Bumwelta ang isa sa mga pinatalsik na opisyal ng PDP Laban na si Deputy Secretary General Melvin Matibag.
Matatandaang tinanggal sa puwesto ng party president na si Sen. Manny Pacquiao sina vice chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi, si Matibag at ang membership committee head na si Astra Naik.
Isa sa itinuturong dahilan dito ang pagtulak umano nina Cusi na suportahan ang hindi naman miyembro ng grupo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Pero ayon kay Matibag, walang kapangyarihan si Pacquiao na gawin ang pagdisiplina sa national officers ng partido.
Paraan lang daw ito ng senador, para mapag-usapan sa media.
Iginiit din nitong tuloy ang kanilang July 17 national assembly, at iyon din ang araw ng kanilang magiging paniningil sa mambabatas.
Hinimok pa nito ang kampo ni Pacquiao na sa pangkalahatang pulong na lang ilabas ang kanilang pagkontra sa anumang hakbang ng ibang opisyal.
Pero sa aspetong legal aniya ay walang aasahang panalo ang boksingerong senador.
“I don’t wanna give credence to their actions. They don’t have any authority to discipline National Officers. Its just a way for them to hype their status in the media. We will just see them in the National Council and National Assembly. These two are the highest governing bodies of the PDP Laban. The committee of Senator Manny Pacquiao is irrelevant. July 17 National Assembly will be the day of their reckoning. We encourage them to challenge the actions of the National Assembly. Legally speaking, they don’t have any fighting chance,” wika ni Matibag.