-- Advertisements --

Itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr bilang chairman ng Energy REgulatory Commission (ERC) na Atty. Francisco Saturnino Juan.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro epektibo sa August 8, 2025 ang appointment ni Juan. Sinabi ni Castro si Juan ay isang seasoned energy expert, at may dekada nang karanasan sa regulatory affairs.

Nagsilbi rin siyang Executive Director at General Counsel ng ERC. Sa kasalukuyan siya ang Presidente Independent Electric Market Operators of the Philippines.

Dagdag pa ni USec. Castro si Juan ay nagtataguyod ng consumer protection at renewable energy development sa pamamagitan ng tariff reforms.

Samantala, itinalaga rin ng Pangulo sina Atty. Amante Liberato at Atty. Paris Real bilang mga bagong commissioners ng ERC.

Si Liberato ang kaslaukuyang deputy executive director for Finance and Administrative operations ng ERC, isang abogado, at certified public accountant at may malawak na karanasan sa public finance.

Dati na rin siyang nagsilbi sa Commissio on Audit at may matibay na backgrounds sa fiscal management at regulatory policy. Habang si Real naman ay siang litigator, legal adviser na may higit 2 dekadang karanasan, at may matagal nang karanasan o 10 taong karanasan sa ERC regulatory proceedings.

Ayon kay Castro, itinataguyod ni Real ang legal integrity at consumer protection.

Kumpiyansa ang Palasyo na sa pamamagitan ng mga bagong pinuno at opisyal ay maitutulak tungo sa mas epektibo, transparent, consumer decision making, at public service reforms ang ERC.

Si Juan ang pumalit sa pwesto ng nagbitiw na ERC Chairman na si Monalisa Dimalanta.