Pumanaw na si dating Uruguayan President na si José Mujica sa edad na 89.
Ang dating guerilla ay namuno sa Uruguay mula 2010 hanggang 2015.
Tinagurian siyang pinakamahirap na pangulo sa buong mundo dahil sa kaniyang simpleng pamumuhay.
Inanunsiyo ni President Yamandú Orsi ang kasalukuyang pangulo ng Uruguay ang pagkamatay ni Mujica.
Sinabi nito na labis silang nalulungkot sa nalamang balita.
Hindi naman binanggit nito ang tunay na sanhi ng kaniyang kamatayan subalit ilang taon na siyang dumaranas ng oesophageal cancer.
Sa pamumuno ni Mujica ay kaniyang isinalegal ang recreational na paggamit ng marijuana.
Noong kaniyang kabataan ay naging miyembro siya ng National Party isa sa mga traditional political forces ng Uruguay na kalaunan ay naging centre-right opposition ng kaniyang gobyerno.
Taong 1960 ng isa siya sa mga tumulong para itaguyod ang Tupamaros National Liberation Movement (MLN-T) na isang leftist urban guerilla group na nagmamasimuo ng mga pag-atake, pandurokot at patayan.
Sa nasabing panahon ay apat na beses siyang naaresto kung saan anim na beses na rin itong nabaril na muntik na niyang ikamatay.
Dalawang beses rin siyang nakatakas sa preso sa pamamagitan ng pagdaan sa tunnel kasama ang 105 na MLN-T prisoners.
Noong nagsagawa ng kudeta ang Uruguayan military sa taong 1973 ay kabilang siya sa group ng mga ‘siyam na hosttages’ na nagbanta sa papatayin ang mga guerilas kapag ipinagpatuloy ang pa-atake.
Mahigit 14 taon itong nakulong mula 1970 hanggang mapalaya ito noong 1985 ng makabalik ang demokrasya ang Uruguay.
Taong 2006 ng maging minister ito ng unang gobyernong Frente Amplio na isnag leftist coalition ng bansa hanggang maging pangulo ito noong 2010 sa edad niyang 74.