-- Advertisements --
Tinanggap na ng anak ni Venezuelan opposition leader María Corina Machado ang Nobel Peace Prize Award nito sa Norway.
Sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Ana Corina Sosa Machado ay nagplay din sila ng kaniyang audio recording.
Sinabi ni Machado, na patungo na ito sa Oslo kung saan inaasahan na magsasagawa siya ng news conference kasama si Norwegian Prime Minister Jonas Gahr Støre.
Si Machado ay nagtatago sa ibang bansa matapos na patalsikin sa Venezuela sa pagbatikos sa resulta ng halalan noong magwagi si President Nicolas Maduro.
Noong Oktubre ay iginawad ang Nobel Peace Prize kay Machado dahil sa pagsusulong nito ng democratic rights.
















