Inaasahan na ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na dadagsa at tataas ang foot traffic sa kanilang terminal ngayong holiday season.
Ayon sa PITX, halos 3 milyong mga pasahero ang inaasahan nilang dadaan sa terminal ngayong kapaskuhan simula yan sa Disyembre 19 hanggang Enero 5 na inaasahang uwian naman ng mga pasahero.
Paliwanag pa ng pamunuan, ang naging pagbubukas ng Asia World PITX Light Rail Train (LRT-1) Station ay nakatutulong para sa mas mainam at banayad na biyahe ng mga tumatangkilik sa public transportation.
Samantala, patuloy na nakikipagugnayan ang PITX sa kanilang mga stakeholders at maging sa government regulators para matiyak na ang buong holiday season na ito ay hind magkakaroon ng aberya sa biyahe ng mga mamamayang Pilipino.
















