-- Advertisements --

Nasa 2,800 consumer ng Manila Electric Company (Meralco) ang naapektuhan ng power outage matapos masagi ng isang mixer truck ang mabababang kable sa isang poste sa lungsod noong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat, nakasabit ang mga telco cable wires sa poste na aksidenteng nahila ng truck, dahilan upang bumagsak ang poste at tumama sa tatlong motorsiklo, dalawang tricycle, at isang closed van.

Isang indibidwal din ang naiulat na nasugatan ngunit agad ding nabigyan ng paunang lunas.

Naganap ang insidente bandang alas-2 ng hapon sa kahabaan ng Sandoval Avenue sa Barangay Pinagbuhatan at Barangay Nagpayong, na nagdulot ng matinding pagsisikip ng trapiko sa lugar.

Umabot naman ng hanggang 10 oras ang pag-aayos upang tuluyang maibalik ang suplay ng kuryente sa apektadong lugar.