-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang kampanya kontra kriminalidad ng Taguig City Police Station matapos maaresto ang lahat ng kabilang sa Top 10 Most Wanted Persons list nito para sa buwan ng Marso at Abril ngayong taon.

Dahil dito, umabot na sa apat na magkakasunod na buwan ang matagumpay na pag-aresto ng Taguig Police sa mga kabilang sa most wanted persons kasunod ng nauna ring operasyon noong Enero at Pebrero.

Ayon kay Taguig police chief PCol. Julius Añonuevo, bunga ito ng mas pinaigting na koordinasyon ng mga police units at suporta ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa ilalim ni Mayor Lani Cayetano.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng mga naaresto ang murder, rape, carnapping, robbery, acts of lasciviousness, attempted homicide, qualified sexual assault, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.