Kapwa sumang-ayon sina LeBron James at Anthony Davis ng Los Angeles Lakers sa obserbasyon, na ito ang pinakamahirap na NBA championships sa kasaysayan ng liga.
Tinukoy ni Davis ang ginaganap na NBA bubble na naging resulta ng COVID pandemic.
Ayon kay Davis, napakahirap daw ng kalagayan ng mga players dahil patibayan din ng isip dala ng sitwasyon ngayon.
Para naman sa veteran player na si Lebron, ang laban nila bukas kontra sa Miami Heat, ang “pinaka-challenging” sa loob ng 10 beses niyang maglaro sa championships.
“I think this one is going to be a tough one,” ani Davis.
Gayunman, bilang mga professional players kailangan daw nilang ihanda ang buong sarili at utak nila.
Samantala, nagbigay din ng reaksiyon si LeBron sa isyu na dati niyang team ang makakalaban.
Binigyang diin ni James, wala na itong halaga sa kanya kahit sino pa ang makaharap sa kampeonato.
Ang Game 1 bukas ay itinakda ng alas-9:00 ng umaga.
“It’s probably been the most challenging thing I’ve ever done as far as a professional as far as committing to something and actually making it through,” wika pa ni James.