-- Advertisements --
SC Conducts Pilot Mock Bar Examinations

Hinihintay na ng mga gustong maging abogado ang pag-anunsiyo ng Supreme Court (SC) ngayong Pebrero ng schedule ng digital at localized bar examination matapos itong ipagpaliban noong nakaraang taon dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kasunod na rin ito ng isinagawang pilot mock bar examination mula Luzon hanggang sa Mindanao.

Ayon sa Korte Suprema, matagumpay ang isinagawang mock bar exam na bahagi ng reporma ng pinakamataas na korte sa Pilipinas para mas lalong maging equitable o matuwid at inclusive ang prestihiyosong examination.

Pananatilihin pa rin naman daw ng SC ang mataas na standards ng legal profession kahit isasagawa ang eksaminasyon sa iba’t ibang lugar sa basa.

Ang pilot/mock bar exam ay isinagawa para ma-validate ang ilang protocols at digital standards na gagamitin.

Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng koordinasyon ng SC sa Philippine Association of Law Schools (PALS), Saint Louis University (SLU) Law School ss Baguio City, Ateneo de Manila University School of Law dito sa Manila, University of Cebu School of Law, Ateneo de Davao College of Law at UP College of Law.

Suportado rin ng local governments ng Baguio City, Makati, Quezon City, Cebu at Davao maging ng PNP ang naturang aktibidad.

Nasa 80 law students naman ang lumahok dito.

Present naman si Chief Justice Diosdado Peralta at mga miyembro ng korte sa isinagawang mock bar exam para ito ay obserbahan at suportahan.

Ang bar bulletin ay ilalabas ni Bar Chairperson Justice Marvic Leonen sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero.