-- Advertisements --

Prinomote ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang green metals processing nuong bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Australia na ang layunin ay makapag set-up ng local minerals processing sa bansa.

Ayon kay DTI Foreign Trade Service Officer, Jollan Margaret Llaneza na kanilang hinikayat ang mga Australyanong negosyante na mag invest sa green metals.

Paliwanag pa ni Llaneza, ang Pilipinas ay mayaman sa green metals resources katulad ng copper, cobalt, nickel at napakahalaga ng mga ito sa development at deployment ng clean technologies katulad ng electric vehicles.

Ayon kay Llaneza ang kasalukuyang thrust ng gobyerno ay simulan ang lokal na pagpoproseso ng mga mineral na ito upang matiyak ang mas mataas na halaga at para sa mas malaking benepisyo sa ekonomiya sa halip na mag export lamang ng mga ores.

Iniulat naman ni Pangulong Marcos sa kanyang biyahe sa Australia, nakuha niya ang 12 business deals na nagkakahalaga ng US 1.53 bilyon o PhP86 bilyon, na sumasaklaw sa iba’t ibang sektor tulad ng renewable energy, malinis na teknolohiya, at recycling solutions, pabahay, IT BPM, imprastraktura, medical devices, at digital health.

Dagdag pa ni Llaneza, nais ng pamahalaang Marcos ang mga pamumuhunan na naaayon sa kanilang Strategic Investment Priorities Plan na naglalayong makakuha ng mataas na teknolohiya mula sa ibang bansa.

Kabilang sa mga target ng pamahalaan ay iyong paggamit ng mga bagong disruptive technologies katulad ng artificial intelligence, Big Data at ma-upskill, reskill ang talent workforce na inu-offer sa mga investors.

Kasama din dito ang transfer of technology ng sa gayon ang partisipasyon ng Pilipinas sa global valie chains ay lalong tumindi.