-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga gintong medalya na nahakot ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2025 Southeast Asian Games.

Nagkamit ng gintong medalya si Olympian gymnast Aleah Finnegan sa women’s vault finals.

Bago nagwagi si Finnegan ay pina-kuwenta muli ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino ang resulta at doon nga ay lumabas itong nanalo.

Habang sa jiujitsu ay tinalo ni Kimberly Custodio ang nakalaban mula sa Thailand sa finals ng ne-waza women’s 49 kg.

Idinagdag naman ni Dean Roxas ang isang gintong medalya ng manalo ito sa jiujitsu men’s 85 kg. event.

Dalawang silver medal naman ang naiuwi ni Olympic swimmer Kayla Sanchez sa women’s 50meters backstroke at 200m freestyle event ang nasabing medalya ay karagdagan sa unang gintong medalya na nakuha mula sa 4×100 meters freestyle relay.

Habang silver medal naman ang naiuwi ni Haylee Garcia sa women’s uneven bars.

Bigo naman si Clarence Sarza kay Patcharakan Poolkerd ng Thailand para makamit ang silver medal sa women’s 46kg.

Silver medal din ang naiuwi ni Yman Xavier Baluyo sa jiujitsu men’s 69kg. ne-waza finals matapos na mabigo sa nakalabang Vietnamese.

Bronze medal naman ang naiuwi ni Gymnast Justin Ace de Leon sa men’s ring at men’s floor exercise.

Karamihang medalya din ay nahakot ng combat sports kung saan bronze medals ang mga nahakot nina Marc Alexander Lim in jiujitsu ne-waza men’s 69kg, Vito Luzuriaga sa jiujitsu ne-waza men’s 85kg, Felix Calipusan, Jeremy Nopre, at Jordan Macalipay sa karate kata men’s team, Baby Jhen Buzon at Mariane Mariano sa jiujitsu duo classic women’s team; Kurt Barbosa sa taekwondo men’s under-54kg; Kaila Napolis sa jiujitsu ne-waza women’s 48kg, at Leah Jhane at Ma. Jeanalane Lopez sa judo women’s ju-no-kata.

Ilang mga bronze medalist ay kinabibilangan nina Mark Louwel Valderama sa men’s cross-country eliminator, Mark Griffin, Eva Dela Torre, Frenchesca Coo, at Derek Hewitt sa open wakeboard team, at Susan Ramadan sa the women’s 1500m.

Nag-ambag naman ng medalya ang demo sports at martial arts sa pamamagitan ni Geli Bulaong sa gold medal para sa modern 60kg. category habang bronze medals naman si Gina Araos sa special value modern 54 kg. , Jean Claude Saclag sa men’s modern 65 kg. ; Denzel John Alipio sa men’s modern 60 kg at Giezel Daya sa women’s traditional 54 kg.