-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Palasyo ng Malakanyang ang ulat ng National Economic Development Authority (NEDA) na lumago ang ekonomiya ng bansa nuong 4th quarter ng taong 2023.

Batay sa isinagawang preliminary assessment ng NEDA na kanilang isinumite sa Office of the President lumago ng 5.6 % ang year-on-year growth.

Sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na ang seasonally adjusted quarter-on-quarter basis, lumago ang ekonomiya ng 2.1 percent.

Para sa kabuuan nuong 2023 lumago ang ekonmiya ng 5.6 percent, mas mababa ito sa 6-7 percent na target ng pamahalaan.

Isa din ito sa major emerging economies ng Asya.

Sinabi ni Balisacan pumapangalawa ang Pilipinas sa pinaka mabilis na lumago sa rehiyon sumunod ang Vietnam na nasa 6.7% at angat kumpara sa China na nasa 5.2% at Malaysia na nasa 3.4%.

Ayon sa NEDA nakatulong sa pagtaas ng kapital at household spending sa paglakas ng domestic demand.

Ipinunto ni Balisacan upang makamit ang 6.5 to 7.5 percent growth sa 2024 kailangan na ipagpatuloy ang pagtugon sa limitasyon ng supply-side, pagpapaluwag ng investment restrictions, at protektahan ang purching power ng mga Pilipino.

Mahalaga din ang kolaborasyon ng executive at legislative branches para sa mabilis na pagpasa ng mga mahahalagang tax at expenditure reforms na makakatulong sa fiscal space ng gobyerno.