-- Advertisements --

Naniniwala asi Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go na may mailalabas ng framework ang US Trade Representative at Pilipinas bago pa matapos ang 90-day motatorium sa pagpapatupad ng additional tariff na ipinataw ng Estados Unidos.

Sinabi ni Secretary Go na kumpiyansa siyang magtutulungan ang magkabilang panig para makapag- balangkas na  panuntunan sa gitna ng inihihirit na zero tariff sana ng Pilipinas sa US.

Sa ngayon ayon kay Go ay maiging hayaan na lang muna ang technical working group na talakayin ang pagbuo ng framework.

Sinabi ng Kalihim na mahirap sa ngayon ayon sa Kalihim na magbigay ng prediksiyon sa  kung ano ang kahihinatnan ng negosasyon kaugnay ng inihihirit ng Pilipinas na Free Trade Agreement.

Pag-uusap aniya ito ng dalawang panig kung saan ay kailangang magkasundo ang kapwa partido.